PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News ) — Simula sa buwan Disyembre, isasailalim sa random drug testing ang mga driver ng multicab, tricycle at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs) na magre-renew ng kanilang rehistro ng sasakyan at driver’s license sa Puerto Princesa City.
Sang ayon naman dito ang mga multicab at tricycle drivers dahil kung matatandaan, kamakailan lang ay nasangkot at naging suspek ang isang multicab drivers sa pagpatay sa isang estudyante sa lungsod.
Ayon pa sa isang driver, magiging paalala umano sana ang nangyaring krimen noon upang hindi ipagwalang bahala ng mga PUVs driver at operators ang nasabing drug testing.
Dahil sa pangyayaring iyon ay humina umano ang kanilang pasada kaya marapat lang na ipatupad ito para muling maging panatag ang mga estudyante, magulang at mga commuters sa lungsod.
Samantala, hinihiling naman ng presidente ng mga driver at operators na sagutin ng City Government ang gastusin sa drug testing.
(Eagle News Cortrespondents, Rox Montallana, Leonardo Bautista)