Random drug tests ng DepEd, sisimulan sa Setyembre

(Eagle News) — Nakatakda nang umpisahan ang random drug testing policy na ipatutupad ng Department Of Education (DepEd)  ngayong darating na Septyembre sa lahat ng secondary o high school students kasama rin ang mga guro at staff ng mga paaralan pribado man o pambubliko.

Sa inalabas na guidelines ng DepEd, kakatuwangin ang DOH sa pagsasagawa ng testing at assessment sa mga sasailalim rito.

Resulta ng drug tests, hindi isasapubliko – DepEd

Tiniyak naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na hindi makokompromiso ang karapatan ng mga mag aaral, dahil hindi maaaring gawin ang testing sa loob ng paaralan, at hindi rin pweding isa publiko ang pangalan ng mag-aaral at paaralan kapag mag positibo ito sa resulta.

Bago pa man sumalang sa testing ang mag-aaral ay bibigyan muna ng note at kakausapin ang magulang para sa parental consent nito.

Kapag magpositibo ang isang mag-aaral ay nakahanda raw ang DepEd para sagutin ang gastos ng medication kung hindi ito kaya ng magulang.

Hindi rin ito maaring gamiting grounds para makick-off ang estudyante sa school.

Problema sa illegal drugs sa mga estudyante, sisikaping agapan ng DepEd

Giit pa ni Sec. Briones, ang programang ito ay ilulunsad upang matulungan at maagapan ang paglala sa problema sa iligal na droga at maisalba ang kabataan na maaaring maging biktima ng paggamit nito.

(Eagle News Service Gerald Rañez)

 

Related Post

This website uses cookies.