Rapper na nag-compose ng ‘Nilasong Paraiso’ para sa isyu ng Boracay, nag-trending

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Trending ngayon sa social media ang isang Aklanon matapos mag-compose ng rap song na para sa isla ng Boracay.

Ayon kay Carlo Irapta ng Poblacion Malinao, isang gabi lamang nito binuo ang rap song na may titulong “Nilasong Paraiso.”

Nagsilbi umano nitong inspirasyon ang problemang kinakaharap ng Boracay.

Sa naturang awitin, mapapakinggan ang kagandahan ng isla gayundin ang unti-unting pagkasira nito dahil sa isyu ng sewerage at iba pang environmental problems.

Inilalarawan din ng kanta ang dating isla na malayo sa kabihasnan at sa ngayon ay parang siyudad na.

Sa naturang rap song, nagpaabot din ito ng pagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil binigyan nito ng atensiyon at pinabibigyan ng aksiyon ang mga problema sa Boracay.

Related Post

This website uses cookies.