“Red October plot” vs Pangulong Duterte, batay sa maling intel — former president Aquino, Robredo

Ni Eden Santos
Eagle News Service

(Eagle News) — Mariing itinanggi ng Liberal Party ang alegasyong bahagi sila ng destabilization plot o ng “Red October Plot” laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos lumabas na may intelligence information ang Malacañang na nakipag-alyansa ang LP at oposisyon sa mga komunista para pabagsakin ang administrasyon.

Ayon kay dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, maituturing na tsismis ang nasabing destab plot kung hindi sumailalim sa tama at maayos na pag-analisa ang intel report na nakuha ng gobyerno.
Duda rin ang dating pangulo na kayang magsagawa ng destabilisasyon ng komunistang grupo matapos humina ang puwersa ng mga ito.

“Red October plot issue,” tila paghahanda sa martial law — VP Robredo

Pero para naman kay Vice-President Leni Robredo, ang pinalilitaw aniya ng Malacañang na “Red October plot” issue ay tila isa umanong paghahanda para sa isang mapanganib na senaryo, ito ay ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.