Itinaas ngayon ang red tide alert sa ilang bayan sa lungsod ng Bohol matapos tumaas ang bilang ng mga insidente ng food poisoning roon matapos makakain ng lamang dagat.
Nabatid na tumaas ang red tide level sa karagatan sa Dauis, malapit sa Tagbilaran City area. Dahil rito, kasama sa mga bayan na mino-monitor ang Tagbilaran City, Dauis, Panglao at Cortez.
Pansamantala namang ipinagbabawal ang pagbili at pag-titinda ng mga lamang-dagat sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalabas ng babala para sa publiko, tungkol sa red tide, partikular na sa mga bayang binabantayan, sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources O BFAR.
(Agila Probinsya Correspondent Matt Villegas)