Red tide alert, itinaas sa Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Itinaas ang red tide alert sa Puerto Princesa  dahil sa pagsibol ng algae.

Ito na ang ikalawang red tide alert sa Puerto Princesa ngayong taon.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide toxins ang mga sample na nakuha sa mga baybayin ng Bay of Honda.

Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang paghuli at pagbebenta ng halaan, talaba at tahong mula sa mga ito.

Gayunpaman, ligtas naman aniyang kainin ang isda basta nalinis ito at nalutong mabuti.

Related Post

This website uses cookies.