(Eagle News) — Nakataas parin ang red tide alert sa Carles, Iloilo. Batay sa inilabas na bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo parin sa mataas na level ng paralytic shellfish toxins ang mga shellfish mula sa Gigantes Island.
Kaugnay nito, pinagbawalan ng BFAR ang mga residente na manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish at alamang mula sa nasabing isla.
Sinabi naman ng bfar na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag mula sa isla pero dapat ay hugasan itong mabuti.
Ayon kay BFAR Regional Director Remia Aparri, ang presensya ng red tide sa isla ay nagsimula noon pang nobyembre ng nakaraang taon matapos nilang masuri ang tubig at shell fish mula rito.
Maliban sa Gigantes Island, minomonitor rin ng BFAR ang Pilar Bay at Sapian Bay sa Capiz at Batan bay sa Aklan.
Pero ligtas naman na aniya sa red tide toxin ang Pilar Bay, Sapian Bay at Batan Bay.