WESTERN Samar, Philippines (Eagle News) — Positibo pa rin sa red tide toxins ang Irong-irong at Cambatutay Bay sa Western Samar.
Batay sa Bulletin Number 20 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumabas sa huling laboratory results na lampas na sa limit ang lason sa mga alamang mula sa mga nasabing lugar.
Ipinag-babawal ang paghuli, pagbenta at pagkain ng mga alamang mula sa mga nabanggit na lugar , subalit ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at alimango kung nilinis at nalutong mabuti.