DARAM ISLAND, Samar (Eagle News) — Umabot na sa Daram Island, Samar ang red tide habang apektado parin nito sa anim na baybayin sa eastern Visayas.
Sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lagpas na sa regulatory limit ang toxins ng tubig sa daram island at hindi na ligtas kainin ang shellfish at alamang mula rito.
Samantala, nakataas pa rin ang red tide alerts sa Cambatutay Bay, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay, Matarinao Bay sa Samar at Carigara Bay aa Leyte.
Apila naman ng bfar sa lokal na pamahalaan na tumulong sa information drive at pagpapatupad ng shellfish ban sa mga nasabing lugar.