Eagle News — Magkakaroon na ng ‘Rehabilitation Center’ sa bawat rehiyon sa bansa para sa mga susukong drug user at pusher.
Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na kasama ito sa napag-usapan sa cabinent meeting ni Pangulong Duterte .
Samantala, binubuo na rin ang ‘memorandum circular’ na naglalayong panagutin ang mga barangay at municipal officials sa paglipana ng iligal na droga sa kani-kanilang nasasakupang bayan o barangay.
Inaasahang nakapaloob sa binubuong ‘memorandum circular’ ang mga pananagutan sa batas ng mga mapapatunayang nagpabaya sa pamamayagpag ng iligal na droga sa kanilang mga jurisdiction.