Matagumpay ang naging unang araw ng Regional Training of Trainers in Journalism ng Department of Education (DepEd) Region IV-B Mimaropa.
Ang nasabing workshop ay ginaganap sa Atrium Hotel sa Pasay City at dinaluhan ng nasa dalawang daan at limampung (250) participants mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Ito ay pinangunahan ng mga propesor ng journalism mula sa Polytechnic University of the Philippines at nagsilbing speakers sa ibat-ibang larangan ng pamamahayag.
Sa loob ng apat na araw ay susubukin ang kakayahan ng mga guro sa ibat-ibang larangan ng pagsulat ng balita gayon na rin sa Radio and TV broadcasting.
Samantala naging positibo naman ang reaksyon ni Director Gilbert Sadsad ng DepEd mimaropa sa nasabing programa kung saan ay inaasahang mas lalaki ang tyansa na humakot ang rehiyon ng mga puwesto sa nalalapit na National Schools Press Conference.
(Agila Probinsya Correspondent Blanche Lineses)