MANILA, Philippines (Eagle News) — Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Kuwait na malapit nang matapos ang deadline para sa amnesty program ng pamahalaan doon.
Ayon sa DFA, itinakda na sa april 12 ang huling araw ng pag-paparehistro para sa nais mag-avail ng amnestiya.
Ang mga nais humabol ay pinapayuhan na magtungo sa konsulada ng Pilipinas sa Kuwait upang maiproseso ang mga dokumento at clearance na kailangan sa nasabing programa.