Regulasyon sa e-cigarettes at vape, inirekomenda ng DOH

(Eagle News) – Nais ng Department of Health na lagyan ng regulasyon ang e-cigarettes at vape.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na hindi isinama ang mga ito sa smoking ban ngunit gagawan nila ito ng ibang probisyon.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na nila ang ukol dito.

Matatandaang naglabas ng abiso ang Food and Drug Administration upang magbigay ng babala sa paggamit ng e-cigarettes.

Ilang grupo man ang nagsasabing maaari itong alternatibo sa paninigarilyo, walang nakikitang prueba ang mga eksperto na makakatulong ito sa tao.

Sa ilalim ng Executive Order # 26 o ang nationwide smoking ban, ipinagbabawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar maliban na sa mga designated smoking areas.

Ayon pa kay Ubial, ay maglalatag ng mga patakaran ang ahensya upang maayos na maipatupad ang smoking ban.

Related Post

This website uses cookies.