DAVAO City, Philippines (Eagle News) — Posibleng tanggihan ng drug rehabilitation sa Davao City ang mga susunod na admission dahil sa over-crowding.
Ayon sa Davao City Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents, dumami ang mga pasyenteng na-admit noong nakaraang buwan dahil sa pina-igting na operasyon kontra ilegal na droga.
Isan-daang (100) residente lang ang kasya sa pasilidad at sa ngayon ay nasa 114 na ang naka-admit at sumasa-ilalim sa treatment.
Bukod sa espasyo , hindi na rin kasya ang budget ng rehabilitation center dahil lahat ng serbisyo ay libreng ini-aalok.