(Eagle News) — Isa sa mga pina-planong talakayin sa ASEAN meeting ang rehabilitasyon sa Boracay.
Nakapaloob ito sa mainstream bio-diversity ng mga nasa sektor ng turismo.
Sinabi ni Theresa Mundita-Lim, Executive Director for ASEAN Center For Biodiversity (ACB), malaki ang maitutulong ng boracay presentation sa ASEAN member nations.
Layon nitong matutuhan kung paano isinagawa ang rehabilitasyon sa Boracay, para maiiwas sa tuluyang pagkasira ng isa sa magagandang isla sa mundo.
Sa gagawing presentasyon, makakakuha ng mga ideya ang ibang mga nasyon kung paano maiingatan o maaalagaan ang mga tourist spot sa kani-kanilang bansa.
Binigyang-diin ni Lim na ang environmental conservation sa buong Southeast Asia ay kailangang gawin lalo na’t nahaharap sa panganib ang mga mga Biodiversity-rich regions sa ASEAN dahil sa climate change.