(Eagle News) — Itutuloy ng Office of the Ombudsman ang gagawing imbestigasyon kay incoming President Rodrigo Duterte kaugnay sa inihaing patong-patong na reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV .
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, bahagi ng kanilang trabaho na imbestigahan ang sinumang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa administrative o criminal complaint.
Dahil dito, ipagpapatuloy nila ang pag-imbestiga sa reklamong plunder,graft at malversation na kinakaharap ni Duterte.
Dagdag pa ni Morales, kung magpositibo raw sa kanilang imbestigasyon si Duterte sa mga anomalyang ikinakabit sa pangalan nito ang kanilang susunod na hakbang ay maghahain sila ng resolusyon sa kongreso para sa isang impeachment case.
Mag-iinhibit naman si Morales kapag natuloy ang pagdinig sa kaso ni Duterte
Eagle News Service.