Relaunching ng Ecological Waste Management Program isinagawa sa Bataan

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ang Relaunching of Ecological Waste Management Program sa Plaza Mayor de Balanga, Bataan. Dinaluhan ito ng mga empleyado ng City Government at iba pang LGU’s sa pangunguna ni Mayor Francis Garcia.

Narito ang mga binalangkas na programa o aktibidad ng Solid Waste Management;

  • Balik Basket and Bayong Program
  • Gamit pang eskwela mula sa Basura
  • Plastic Palit Bigas
  • Junkshop ng Bayan
  • No Segregation No Collection
  • Schedule of Garbage Collection
  • KAANIB ( kasama Anib Program )
  • Composting
  • Coastal CleanUp
  • Operation Linis Ilog and Linis Barangay

Layunin ng programa na maipakita sa mga Balanguenos ang pagmamahal sa kalikasan. Mapangalagaan, ingatan at mapanatili ang kalinisan nito. Kasama sa programa ang paglagda ng mga dumalo sa malaking tarpaulin board na tinawag nilang ‘Panunumpa sa Kalikasan’ bilang pangangako na makikiisa sila sa aktibidad na ito.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan

Related Post

This website uses cookies.