(Eagle News) — Naghatid ng relief assistance ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) government sa libu-libong biktima ng sunog sa Jolo, Sulu nitong Miyerkules, Hulyo 26.
Sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng ARMM, naihatid sa mga nasunugan ang inisyal na dalawang daang sako ng bigas at mga relief good sa pamamagitan ng C-130 cargo plane mula sa Cotabato City.
Personal na binisita ng kasalukuyang ARMM Governor Mujiv Htaman ang mga biktima na mga residente ng tatlong barangay sa bayan ng Jolo.
Sumiklab ang sunog mag-aalas tres ng hapon kahapon at tumagal hanggang kaninang madaling araw, ayon kay ARMM Social Welfare Secretary Laisa Alamia.
Higit sa dalawang libo at anim na raang kabahayan sa mga Barangay ng Busbus, Walled City at Lambayong ang tinupok ng apoy.
Umabot naman sa libong pamilya ang nasa iba’t-ibang evacuation center sa Jolo, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).