Sa hangaring matulungan na makapagbagong-buhay ang mga inmates sa sandaling sila ay makalaya, sinisikap ng mga pamunuan ng Tarlac Provincial Jail (TPJ) na maging abala sila sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad. Sa pangunguna ni Police Supt. Pascual Delos Reyes, warden ng piitan ay nagsagawa sila ng religious activity at livelihood program.
Ang religous activity ay pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo kung saan nag imbinta sila ng ministro ng Iglesia upang makapagturo sa loob ng piitan.
Para naman magkaroon ng maganda at mabuting panimula, hiniling niya ang suporta nina Congresswoman Susan Yap at Tarlac Governor Victor Yap para magpadala ng mga tagapagturo o trainor para manguna sa pagbibigay kaalaman ukol sa iba’t-ibang livelihood na maaring pakinabangan ng mga inmates.
Kaugnay nito, umabot sa halos 100 inmates ang nagtapos ng iba’t-ibang non-formal education kamakailan.
Tumanggap ng mga sertipiko at iba’t-ibang kagamitang panghanap-buhay ang mga nagsipagtapos.
(Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)
(Eagle News Service Described by Jay Paul Carlos, Video Editing by Dexter Magno, Uploaded by MRFaith Bonalos)