QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Naihalal bilang house speaker ng 17th congress si Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na ka-partido ni Pangulong Duterte sa ilalim ng partido Demokratiko Pilipino-Laban ng bayan o PDP-laban.
Nakalaban ni Alvarez sa House Speakership sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Quezon Third District Rep. Danilo Suarez.
Si Bagulait na piniling hindi lumahok sa Supermajority Coalition ay nakakuha ng walong boto.
Habang pitong mambabatas naman ang bumoto kay Suarez.