Repatriation ng mahigit 10K overstaying na Pilipino sa Kuwait, pinamamadali

MANILA, Philippines (Eagle News) — Minamadali na ng embahada ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait ang pagpapauwi sa nasa sampung libong overstaying na Pilipino na inaasahang mag-a-avail sa amnesty program na inayos na kasama ang kuwaiti government.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, inaasahang mahigit sampung libong Pilipino ang kwalipikado para sa repatriation.

Nitong Enero aniya nang aprubahan ng Kuwaiti government ang amnesty program.

Sa kasalukuyan, nasa 2,229 na Pilipino na ang nabigyan ng travel documents.

Mula sa kabuuang bilang 2229, 1,754 sa kanila ang napagkalooban na ng immigration clearances.

Bukod sa pamasahe sa eroplano, ang gobyerno ng Pilipinas din ang magbabayad sa immigration penalties ng mga overstaying na Pilipino.

Related Post

This website uses cookies.