Ni Meanne Corvera
Eagle News
Naisumite na sa Senado at Kamara nitong Huwebes ng gabi ang report ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga batayan sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, personal niyang natanggap ang kopya ng report noong 9:55 p.m. sa Davao city.
Pinirmahan niya raw ang report kasama si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang report ay natanggap ng Senado at Kamara limang minuto bago ang alas diyes na deadline.
Sa ilalim ng saligang batas, inoobliga ang pangulo na magsumite ng report sa loob ng 48 oras matapos ideklara ang martial law.
Sabi ni Pimentel, hindi maaring isapubliko ang nilalaman ng report dahil sa mga delikadong impormasyon na nakasaad dito.