Resolusyon ng mga minority senator na palayain na si Sen. De Lima, ipinauubaya ng Malacañang sa hukuman

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinasa ng Malacañang sa hukuman ang desisyon sa resolusyon ng minority senators na palayain na si Senadora Leila De Lima

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nasa kamay ng hukuman kung ano ang magiging desposisyon sa kaso niya.

Ayon kay Roque, nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame si De Lima dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Inihayag ni Roque na sana hindi iniimpluwensyahan ng mga senador ang mga hukom.

Binati pa ni Roque si De Lima ng happy first anniversary sa kulungan.

Batay sa resolusyon ng minority senators, dapat nang makalaya si De Lima dahil ilegal umano ang pagkaka-aresto sa kaniya at wala daw matibay na ebidensya sa kasong pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.Vic Somintac

Related Post

This website uses cookies.