(Eagle News) — Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint resolution na nagbibigay ng kapangyarihan sa National Housing Authority (NHA) na ipamahagi ang mga hindi na-okupahang housing units sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Nilagdaan nitong May 9 ang nasabing joint resolution.
Ang mga hindi na-okupahang pabahay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) ay maaari nang ipamahagi sa iba.
Nakasaad sa nasabing resolusyon ang report ng Commission on Audit (COA) noong 2016 na mababa ang occupancy rate ng mga housing unit.
Halimbawa noong 2016, ayon sa COA, 62,472 ang nakumpletong housing units pero 7,143 lamang ang okupado.