KORONADAL City, Philippines — Mas pinabilis na ang pamamahagi ng bigas para sa mga apektado ng El Niño sa Koronadal City.
Nabatid na kung dati ay dalawang barangay lang ang pinupuntahan ng Philippine Red Cross para sa rice distribution ngayon ay apat na barangay kada araw na.
Bawat benepisyaryo ay binibigyan umano ng walong kilong bigas. Aabot sa P6.3 milyon ang pondo sa pagbili ng bigas para sa mga benepisyaryo.
Nasa tatlong libong food packs naman ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod.