Ride for Tobacco Free Generation, inilunsad sa Balanga, Bataan

BALANGA, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ang Ride for Tobacco Free Generation (TFG) sa Plaza Mayor de Balanga sa siyudad ng Balanga, Bataan. Hindi naging hadlang sa mga lumahok na bikers ang pagbuhos ng malakas ng ulan para hindi ituloy ang nasabing aktibidad.

Ang iba’t ibang grupo na samahan ng mga bikers ay nakipagkaisa, tulad ng;

  • Abucay Riders
  • Limay Riders
  • Balanga Riders
  • Hermosa Riders
  • Extra Rice Bikers
  • Cabcaben Riders
  • Marami pang iba.

Para sa adult category, may 40.8 kilometers ang distansya na kanilang binisikleta. Binigyan ng Certificates ang lahat ng grupo na nakipagkaisa na ipinagkaloob ni Hon. Jose Enrique Garcia III, Congressman ng 2nd District ng Bataan, Vice Mayor Vianca Gozon ng Balanga, Mayor Gila Garcia ng Dinalupihan.

Layunin ng aktibidad na i-promote ang No Smoking Policy hindi lamang sa siyudad ng Balanga kundi sa buong lalawigan na maging Tobacco Free Generation ang Bataan.

Courtesy: Josie Martinez – Bataan Correspondent

This website uses cookies.