Rio Grande de Cagayan, patok na pasyalan ngayon summer

(Eagle News) — Tuwing papalapit ang buwan ng bakasyon, nakasanayan na nating mga Pilipino ang humanap ng mga lugar pasyalan. Kaya naman, bakit hindi natin subukan ang natatanging ganda ng Cagayan River?

Kilala sa tawag na Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas dahil binubuo nito ang apat na probinsya kagaya ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.

Ngunit alam nyo ba na bukod sa baybayin nito na karaniwang dinarayo ng mga turista ay may lihim pa itong yaman?

Isa na nga rito ang Diamond Cave na maari mong puntahan kung ayaw mong mainitan, na nagtataglay ng mga kumikinang at nakakamanghang bato tulad ng stalactite at stalagmite.

Ang iba’t ibang uri ng isda na dito mo lang matatagpuan — kagaya ng palos, ikan at ludong na siyang pinakamahal na isda na kung iyong bibilhin ay umaabot sa tatlong libo kada kilo ang presyo.

At hindi lang iyan, ayon kay Ginang Devi Matias, Tourism Consultant ng Cagayan, marami pang pwedeng gawin sa ilog katulad ng river cruise o ang pag- gamit ng kayak habang pinagmamasdan ang mga nakamamanghang rock formation.

Puwede ring mag diving at tubing na syang kinagigiliwan ngayon ng mga turista.

Kaya, kung ang hanap mo ay lugar na puwedeng pasyalan , lagi sana nating tandaan na bago natin tangkilikin ang ibang yaman sa labas ng bansa , ay unahin muna– ang yamang atin.

Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.