(Eagle News) — Matapos ang ilang araw na alingasngas, tuloy na tuloy na ang pag-upo ni Police Chief Superintendent Ronald Dela Rosa bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.
Ayon kay Dela Rosa, Linggo ng gabi nang kausapin siya ni Incoming President Rodrigo Duterte hinggil dito.
Si Dela Rosa ay miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986 at kasalukuyang Executive Officer ng Human Resources Doctrine and Development ng Philippine National Police.
Naging Chief of Police din sya noon ng Davao City kung saan matagal silang naging magkatrabaho ni Duterte.
Sa kanyang pag-upo sa puwesto, pangunahin daw niyang tutukan ang illegal na droga na pangunahing adbokasiya ni Duterte.
Bagaman “Bato” ang bansag sa kanya ng marami dahil sa malabato niyang katawan, hindi niya raw hahayaan ang paglaganap ng bato sa bansa.