Roro bus na biyaheng El Nido tumaob; mga pasaherong sakay nagtamo ng injury

ROXAS, Palawan (Eagle News) – RORO Bus na biyaheng El Nido ang aksidenteng tumagilid sa National Highway ng San Jose, Roxas, Palawan. Nangyari ang nasabing insidente noong Huwebes, December 8, bandang 4:30 ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi mabilis aniya ang takbo ng bus. Dahil sa kurbada at madulas ang daan ay tumaob ang bus. Ayon naman sa driver na nakilalang si Tristan, hindi na umano niya napansin ang kurbadang daan kaya hindi kaagad niya naipreno ang sasakyan.

Isinugod agad sa mga hospital ang mga sakay ng nasabing  bus sa Puerto Princesa City. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente at kung inaalam pa kung ilan ang bilang ng injury. Tiniyak naman ng pamunuan ng RORO na sasagutin nila ang gastusin sa pagpapagamot ng mga pasahero na nagtamo ng injury.

Mary Ann Ramos – EBC Correspondent, Palawan

Related Post

This website uses cookies.