(Eagle News) — Bigo si dating Department of Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II na maisumite ang kaniyang statement of contributions and expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang deadline nito.
Si Roxas lamang ang tanging 2016 presidential candidate na hindi nakapagsumite ng expenditure reports.
Ayon kay, Atty. Mazna Vergara ng Comelec campaign finance office, as of 6:30 p.m., wala pa rin sa listahan ng received SOCEs si Roxas dahilan upang ituring ng COMELEC ang dating senador bilang isang “non-filer”.
Matatandaang pinalawig pa ng Comelec ang deadline ng filing ng SOCEs mula 5:00 hapon hanggang 6:30 ng gabi.
Samantala, ayon sa mga naisumiteng SOCEs, gumastos si Sen. Grace Poe ng P510.8 million sa kaniyang kampanya; sinundan naman siya nina Vice President Jejomar Binay na gumastos ng P463.3 million; President-elect Rodrigo Duterte na gumastos ng P371.4 million; at kay Sen. Miriam Defensor-Santiago naman ay P74.6 million.