Russian gov’t nagbigay ng “humanitarian aid” para sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas

  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

DALIPUGA, ILIGAN CITY (Eagle News) — Pormal na isinagawa ang ceremonial turnover of donations ukol sa “humanitarian aid” para sa mga biktima ng kalamidad ang gobyerno ng Russia para sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD) sa DSWD Warehouse.

Sa pamamagitan ng nasabing donations, nais ng Russia na makatulong sa mga IDP’s o internally displaced person na apektado ng iba’t ibang kalamidad na nangyari kamakailan sa bansa, kasama na ang mga biktima ng kaguluhan sa Marawi, at mga biktima ng mga bagyong Urduja, Vinta at Agaton.

Tinanggap ni  Usec. Luzviminda Ilagan, DSWD Undersecretary for Legislative Liaison Affairs and Special Presidential Directives ng Mindanao Region, ang humanitarian aid galing sa Ambassador of the Russian Federation to the Philippines, His Excellency Igor Anatolyevich Khovaev at kay Honorable Igor Veselov, ang acting DIrector-General of the Department of International Activity of the Ministry of the Russian Fedearation for Civil Defense, Emergencies and Elimination of COnsequences of Natural Disasters.

Dumalo rin sa seremonya sina Undersecretary Ernesto Abella ng Department of Foreign Affairs, Iligan City Mayor Celso G. Regencia, Assistant Secretary Felix Castro Jr. ng Task Force Bangon Marawi at isang representante ni Marawi City Mayor Majul Gandamra.

Ayon sa DSWD, ang iniabot na tulong ay patunay lamang ng umuusbong na international solidarity ng dalawang bansa. Gagawin ng ahensya ang lahat para maibigay agad sa mga beneficiaries ang mga donasyon sa mga apektadong mga pamilya.

(Eagle News Service correspondents Farrah Tenorio, Kim Art Villena, Wilmie Villena)

Related Post

This website uses cookies.