Sabay-sabay na pagsasaayos ng daan sa Baguio City, nagdudulot ng perwisyo sa mga motorista

Labis na nagdudulot ng malaking perwisyo sa mga motorista ang sabay-sabay na pagsasaayos ng daan at kalsada sa lungsod ng Baguio. Mabigat na daloy ng trapiko ang idinudulot nito sa araw at pagkalito naman sa ibang mga motorista ang dulot ng re-route roads.

Pagsapit naman ng hapon at umuulan ay nagiging maputik ang daan na lalong nakakapagpainis sa mga motorista na madalas na nakararanas ng perwisyong dulot ng sabay-sabay na pagsasaayos ng daan sa naturang lungsod. (Baguio City)

(Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)