(Eagle News) — Dinarayo ngayon sa Dasol, Pangasinan ang mga salt farm o pagawaan ng asin.
Ilan sa mga motorista ang namangha sa ganda nito na matatagpuan lamang sa kahabaan ng kalsada habang ang ilang mga local government official mula sa iba’t- ibang probinsya ay dumarayo sa lugar para naman mag-aral ng pag-gawa ng asin.
Ang Dasol ay mayroong sampung libong salt beds. Halos labin-walong (18) bayan nito na gumagawa ng asin ay aabot sa 18, 000 metric tons.