Ni Nora Dominguez
Eagle News Correspondent
DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Sampung mga bayan sa Pangasinan ang muli na namang nalubog sa baha dahil sa halos walang tigil na pag-ulan na naging dahilan ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog.
Ayon sa PDRRMO Pangasinan, kabilang sa mga binaha ang Dagupan City, Calasiao, Sta. Barbara dahil sa pag-apaw ng Sinucalan River; San Carlos City, Bugallon, Mangatarem, Bayambang, Lingayen at Aguilar dahil naman sa pag-apaw ng Agno River at bayan ng Agno dahil sa pag-apaw ng Balingcaguin River.
Suspendido naman ang klase sa Dagupan City, Bugallon, Lingayen at mga eskwelahan sa bayan ng Calasiao sa Bued National Higj School, Bued Elementary School, Nalsian Elementary School, San Vicente Elementary School, Banaoang Elementary School, Talibaew Elementary School at Lasip Elementary School.
Sa bayan ng Aguilar ay suspendido ang klase sa Bocoboc East Elementary School, Bocoboc East National Hihh School, Bocoboc West Elementary School, Sipitan Elementary School, Panacil Elementary School, Anonang Elementary School, Sapitan Elementary School, Mapita Integrated School, Tampac Integrated School.
Sa bayan ng Bugallon ay suspendido rin ang klase sa mga paaralan ng Cabayaoan Elementary School at Pangascasan Elementary School.
Samanatala, dahil sa mga pag-ulan ay patuloy na nagpapakawala ng tubig ang San Roque Dam. (Eagle News Service)