Sapat na gamot at suplay ng dugo sa Davao blast victims, tiniyak

(Eagle News) — Tiniyak ngayon ng Malacañang na sapat ang supply ng gamot at dugo para sa mga nasugatan sa naganap na pagsabog sa Davao City night market.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa brefing na isinagawa sa Palasyo.

Ayon pa kay Ubial, discharged na sa ospital ang ibang mga nasugatan at 55 ang kasalukuyang naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa Lunsod ng Davao.

Dagdag pa nito, patuloy aniya na ibinibigay ng pamahalaan ang kaukulang medical attention sa mga biktima ng pamomomba alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.