(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa 65 kilometers south ng Sarangani, kaninang umaga bandang 6:59.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 165 kilometers at tectonic ang origin ng nangyaring pagyanig.
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.