By Erwin Temperante
Eagle News Service
MANILA, Philippines (Eagle News) — Naglabas ng temporary protection order (TRO) ang Korte Suprema hinggil sa writ of amparo na inihain ni Christina Gonzales.
Biktima ang asawa ni Christina ng Oplan Tokhang noong ipinatutupad pa ito ng Philippine National sa buong kapuluan.
Sakop ng protection order ng SC ang pagbabawal na lumapit ng higit isang kilometro sa tahanan o di kaya naman sa lugar ng hanap-buhay ni Christina ang mga pulis kasama sina DILG Secretary Mike Sueno, PNP chief Ronald Dela Rosa na mga respondent sa naturang petition.
Kasama sa utos ng Korte Suprema ang agad na pagsasagawa ng Court of Appeals ng pagdinig sa petition at maglabas ng decision sa loob ng sampung araw.
July 5, 2016, pinagbabaril si Joselito Gonzales, ang asawa ni Christina dahil sa sinasabing panlalaban sa mga operatiba ng anti-illegal drugs task force habang nagsasagwa ng Oplang Tokhang.
Sa kasalukuyang nagtatago si Christina sa takot na siya’y balikan ng mga pulis na pumaslang sa kaniyang asawa.