SCAN International nagsagawa ng serbisyo publiko Bantay Lansangan sa Laguna

 

(Eagle News) — Maaga pa lamang ay nakahanda na sa ibat ibang dako ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo SCAN International sa Laguna upang magbigay ng libreng serbisyo publiko sa mga motoristang bumibyahe.

Layunin ng bantay lansangan na ito na masigurong ligtas na makarating at magkaroon ng payapang paglalakbay ang mga kababayan nating motorista na magbabakasyon at samantalahin ang araw na walang pasok.

Bago pa man itakda ang bantay lansangan ay nakipag ugnayan na ang mga District leader sa Philippine National Police Provincial Director ng Laguna at mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng Philippine National Police Traffic Management Group upang ipagbigay alam na maaari nilang makatuwang ang SCAN International sa pag alalay sa mga motoristang magbabakasyon.

Halimbawa na dito ay ang pagbibigay ng libreng serbisyong “first aid” sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng aksidente.

Nakahandang tumulong ang mga first responder ng SCAN International na magbigay ng paunang lunas sa mga napinsala dulot ng aksidente o di kaya naman sa mga inatake ng karamdaman.
Nakahanda rin ang mga Auto Mechanic at Auto Electrician na magbigay ng libreng serbisyo para sa mga masisiraan ng sasakyan.

Mabilis silang makikipag ugnayan sa mga otoridad gamit ang mga “two way radio” sa mga nakatalagang frequency na maaaring tawagan sakaling magkaroon ng aksidente para sa agarang imbistigasyon. Ganon din sa pinakamalapit na hospital na maaring pagdalhan ng mga motoristang inatake ng karamdaman o naaksidente man. Ang lahat ng ito ay kusang loob at boluntaryong tulong ng scan international at walang hinihinging kapalit na material na bagay.

 

Eagle News Correspondent Edna Mayores

 

Related Post

This website uses cookies.