By Roderick Paglicawan
Eagle News Service
OCCIDENTAL, Mindoro — Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo, partikular ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers o mas kilala sa tawag na SCAN International ng clean-up drive sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Isinagawa ito kaugnay ng ika- 27 anibersaryo ng SCAN International. Ang SCAN International ay isa sa kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na mayroong layunin makatulong, sumagip, maipakita ang pagmamahal sa kapwa at mangalaga hindi lamang para sa kapakanan ng mga miyembro nito maging ang mga hindi pa kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
At upang maipakita ang kanilang layunin na makatulong sa kanilang kapwa at kapaligiran, tatlong pangunahing lansangan ng bayan ng San Jose ang pinagtulong-tulungang linisin ng mga miyembro nito.
Mula sa magkakalayong dako sa buong lalawigan ay maaga at masiglang lumahok ang mga miyembro ng SCAN International. Kaniya- kaniya nang dala ng mga gamit panglinis at hayag na hayag ang aktibong pagkilos ng mga miyembro na pumuno sa kabayanan ng San Jose. (Eagle News)