SCAN International sa Capiz, tumanggap ng gawad pagkilala sa Bureau of Fire Protection

 

EAGLE News — Tumanggap ng Gawad ng Pagkilala  ang mga miyembro ng SCAN International sa Bayan ng Dumarao, Capiz  mula sa Bureau Of Fire Protection (BFP) dahil sa kanilang kabayanihan sa pag-apula ng apoy sa nangyaring sunog sa Barangay San Juan Dumarao,Capiz.

Kamakailan lamang ay naging bahagi pa ang SCAN International sa pag apula ng apoy sa mga nangyaring grass at forest fire sa iba’t-ibang lugar sa Capiz.

Ang SCAN International o Society of Communicators and Networkers ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na tumutulong hindi lamang sa mga gawaing pangrelihiyon kundi maging sa mga sosyo-sibikong gawain.