SCAN Seminar at Family Fun Day, masaya at masiglang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan ng Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Sa layuning lalong maging matatag ang pagsasamahan ng bawat sambahayang Iglesia Ni Cristo at upang lalong mapaalab ang pag-iibigang magkakapatid, nagsagawa ng SCAN Seminar at Family Fun Day ang Distrito ng Quezon North. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North, katuwang ang mga opisyales ng Christian Family Organization na nasabing distrito.

Masiglang nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang mga Ministro, ang kanilang pamilya, at mga kaanib kasama ang kani-kanilang pamilya. Kasama rin sa aktibidad ng mga sinusubok at dinudoktrinahan (nasa proseso ng pag-anib sa Iglesia Ni Cristo). Sa isinagawang aktibidad ay nagdulot ito ng kaligayahan sa mga dumalo lalo na sa mga aanib pa lamang sa INC.

Kasama sa mga ginawang laro ay ang sumusunod;

  • SCAN Challenge
  • Basagan ng palayok
  • Tug of war
  • Volleyball
  • Sack Race

Maraming pang mga palaro na totoong nagbigay kasiyahan sa mga dumalo na nilahukan ng mga bata maging ng mga matatandang mga kaanib. Naging masaya ang aktibidad at ito na rin ang naging Family Bonding ng  mga dumalo.

Courtesy: Nice Gurango, Rhea Orozco, at William Inte – Real, Quezon Correspodents

Related Post

This website uses cookies.