Schedule ng ASEAN activities ngayong Biyernes

Ni Jerold Tagbo

Eagle News Service

Kabi-kabilang mga aktibidad ang nakalinya ngayong araw sa pagpapatuloy ng 30th Association of Southeast Asian Nations summit sa bansa.

Una nang sinimulan kanina sa City of Dreams ang Prosperity for All Summit.

Panauhin sa nasabing pagtitipon sina Malaysian Prime Minister Najib Razak, Vice President Leni Robredo, Pampanga Rep. Gloria Arroyo,  Senador Bam Aquino, at iba pang business leaders.

Kaninang 10:30 a.m., isinagawa naman sa Philippine National Convention Center ang ASEAN foreign ministers meeting at natalakay ang mga isyung kinasasangkutan ng mga bansa sa rehiyon.

Mamayang 2 p.m., isang media conference ang gagawin sa Conrad Hotel kung saan naroon ang International Media Center.

Tatalakayin sa pulong balitaan ang Brunei, Indonesia, Malaysia Philippines East Asia Growth Area summit na pangungunahan ni Secretary Datu Khayr Alonto ng Mindanao Development Authority.

Kasabay na oras gagawin ang 19th Asean Political Security Community Council Meeting sa PICC.

Bandang 3 p.m. gagawin ang Asean Coordinating Council Meeting sa parehong lugar.

Bago mag 5 p.m., isang media briefing ang gagawin uli sa IMC, kung saan matatalakay ni Department of Foreign Affairs spokesperson Robespierre Bolivar ang ginawang preparatory meetings ng Asean Summit.

May leadership forum naman na gagawin sa Manila Hotel bandang 5 p.m.

Mamayang 6 p.m., isa muling press briefing ang gagawin sa IMC, na pangungunahan ni National Youth Commission Chairperson Aiza Seguerra.

https://youtu.be/U2saBtaiJoo