DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang programang inilunsad ng Department of Agriculture na School on the Air Program noong Disyembre 2016 sa Dapitan City. Unang nakinabang sa pagpapalago sa Organic Vegetable Farming ang mga barangay Tamion, Owaon, Antipolo, Diwaan at Masidlakon.
Ayon kay Mr. Elias Nayal, Training Specialist at Focal Person sa Organic Agriculture, ang Agricultural Training Institute (ATI) aniya ay naglalayon na makatulong sa mga interesadong magsasaka. Kaya hindi sila nagdadalawang isip na suportahan ang LGU Dapitan dahil hangad rin ng alkalde na tulungan ang mga Dapitanon. Ayon rin kay Miss Belly Joy Arpay, Information Officer II ng ATI Regional Training Center IX, dahil nakikita nilang interesadong matuto sa organikong pagsasaka ang mga ito ay patuloy nilang gagawin ang programa.
Tiniyak rin ng ATI na nakahanda pa rin silang tumulong dahil sa nakita nila na naging positibo ang epekto ng kanilang programa.
Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte