Bilang bahagi ng pagpapaunlad sa kakayahan ng mga kabataan lalo na pagdating sa siyensya, nagsagawa ng isang Science Fair activity ang Cavite National High School.
Kasama sa mga nakilahok sa aktibidad ang mga mag-aaral na nasa grade 10 at 13 na pawang mga special science students.
Naging tampok sa nasabing science fair ang ilang research ng mga estudyante gaya ng pag-gawa ng papel mula sa pinatuyong dahon ng narra, kugon at dahon ng saging.
Ayon sa mga estudyante, nais nilang paunlarin ang nasabing imbensyon upang hindi na kailanganin pang pumutol ng puno para lang makagawa ng papel.
Gayundin ang pang-alis ng kalawang gamit ang katas ng patatas, paggawa ng elektrisidad gamit ang katas mula sa nabubulok na gulay at prutas.
Sa life category naman ay naging tampok ang paggamit ng apatot plant para mapababa ang blood sugar at mapabilis ang blood circulation na mabisang nasubukan sa daga at maaaring magamit sa tao sa hinaharap kapag napatunayang ligtas gamitin.
Itinanghal na best project sa applied science category ang “azmredfires” o ito ay isang software na kayang mag disinfect ng flashdrive o usb na infected ng virus.
(Agila Probinsya Correspondent Ronald Marina)