Search for “Guwapong Lolo at Gandang Lola” isinagawa sa Cainta, Rizal

CAINTA, Rizal (Eagle News) — Bilang pagpupugay sa mga lolo at lola at pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay nagsagawa ng “2nd year celebration search for Guwapong Lolo at Gandang Lola”  ang Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Cainta, Rizal.

Ang masayang aktibidad  ng Senior Citizens Day na ito ay pinangunahan nina Cainta Mayor Kit Nieto, Vice Mayor Pia Velasco at  Chairwoman Janice Tacsagon  kasama ang  kanyang mga kagawad ng barangay.

Pinagkalooban din ni Mayor Nieto ng mga premyo ang mga nagsipagwaging lolo at lola na nagpasaya sa okasyon.

Ang mga nahirang na guwapong lolo at gandang lola ay sila Nilo Bernardo at Eugenia Puso parehong mga taga Village East Subdivision.

Ang nahirang na 1st runners up ay sina Tennie Dulla at Shirley Dulla ng Kasibulan Village, at ang 2nd runners up naman ay sina Elvessa Magadia ng  CVS at Roman Rodriguez ng  Gruar subdivision.

(Eagle News Correspondent, Cainta, Rizal  Edna Gamba)

Related Post

This website uses cookies.