Sa kasagsagan ng bagyong “Egay” nawasak ang isang seawall sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Narvacan. Nagdulot ito ng pinsala sa mga kabahayan na malapit sa seawall.
Nasa 100 residente ang agad na inilikas at dinala sa mga ligtas na lugar.
Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Narvacan na patibayin ang nasabing seawall lalo na at sunod-sunod ang mga bagyong papasok sa ating bansa.
Pansamantalang naglagay muna ng mga sand bag ang mga residente upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa nasabing lugar.
(Agila Probinsya Correspondent Nelsan Mendoza)