MANILA, Philippines (Eagle News) — Pabor si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na itaas ang sahod ng mga guro upang maging karagdagang budget sa kanilang pangangailangan.
Gayunman, nilinaw niyang dapat ay may basehan o matrix at dapat itong pag-aralang mabuti.
Para kay Secretary Briones, sapat na ang kasalukuyang 19 thousand pesos na basic salary ng isang guro sa public school.
Una rito, nilagdaan niya ang DepEd Order 55 na siyang magtitiyak na hindi bababa sa four thousand pesos (Php 4,000) ang take home pay ng mga guro.
Nais rin niyang maging finance-literate ang mga guro dahil sa kasalukuyang 178 billion pesos na loan sa mga pribadong institusyon.