Naniniwala si Atty. Harry Roque na may ginawang paglabag si Justice Secretary Leila de Lima sa pakikialam sa internal affairs ng Iglesia Ni Cristo.
Sa panayam ng Radyo Agila. Sinabi ni Roque na tila binalewala ni de Lima ang tamang proseso ng batas.
Partikular na binanggit ni Roque ang kaso ng mga itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo na agad inilagay sa witness protection program ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Roque na bago ilagay sa witness protection ang isang ordinaryong mamamayan, kailangan ay may kaso nang naisampa sa piskalya.
Sinabi pa ni Roque na maituturing na kudeta ang ginagawa ni Secretary de Lima sa INC.
Ginagamit aniya ni de Lima ang Iglesia Ni Cristo para sa kanyang personal na interes.
Una nang napaulat na may plano umano si de Lima na kumandidato sa darating na 2016 national elections.