Secretary of Defense ng Amerika, dumating na sa Pilipinas

(Eagle News) — Dumating na sa Pilipinas si US Secretary of Defense Ashton Carter upang sumubaybay sa Balikatan joint military exercises, 6:20 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang sinabi ni US Marine Force Pacific commander at US-side Balikatan director Lt. Gen. John Toolan na pangunahing layunin ni Carter sa pagtungo sa bansa ang patibaying muli ang ugnayan ng Amerika at Pilipinas.

Ayon din kay Toolan, susubaybayan din ni Carter ang mga US Navy ship na lumahok sa naturang military exercises.