Seguridad ni De Lima, tiniyak ng DOJ

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Department of Justice ang seguridad ni Senator Leila De Lima sakaling ipa-aresto siya ng korte sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, titiyakin nila ang kaligtasan ng mambabatas at hindi ito magiging biktima ng umano’y kaso ng extra judicial killings gaya ng kaniyang pinangangambahan.

Pero hindi masabi ni Aguirre kung saang pasilidad ilalagay si De Lima dahil batay pa ito sa magiging rekomendasyon ng korte.

Sa ngayon, hindi pa raw nya masabi ang detalye ng kaso dahil wala pang ipinalalabas na resolusyon ang national prosecution service na dumirinig sa kasong isinampa laban kay De Lima.

https://youtu.be/01jYma5VC6o